UP volleybelles nagparamdam
Gamit ang kanilang bentahe sa tangkad, iginupo ng University of the Philippines-Diliman ang San Beda College-Ala-bang, 21-9; 21-14, sa women’s division sa pagsisimula ng Luzon eliminations ng 12th Nestea Beach Volley tournament kahapon sa Island Cove Hotel and Leisure Park sa Cavite City.
Ang UP-Diliman, binabanderahan nina 6-foot-1 Danielle Castaneda at 5’8 Miah Manukay kontra kina Mossah Carlos at Raiza Sucaldito ng San Beda-Alabang, ang sinasabing isa sa mga paborito sa torneong mag-aakay sa top three teams sa women’s at men’s team sa national championships sa Bora-cay sa Abril 24-26 kasama ang magmumula sa Visa-yas at Mindanao.
Maliban sa UP-Diliman, naglista rin ng panalo ang University of the Cordilleras kontra sa St. Benilde, 21-10; 11-21; 15-9; ang Letran laban sa Saint Louis University, 21-9; 21-10; at ang University of Baguio sa St. Jude College, 22-20; 21-14.
Sa men’s division, nangailangan naman sina Edjet Mabbayad at Jerry Mabutol ng Far Eastern University ng extra set upang talunin sina Allan Aguila at Leonel Laraya ng San Beda, 21-19; 23-25; 15-9.
Binigo naman ng
- Latest
- Trending