Good luck, Caloy!

Okay naman pala kay coach Caloy Garcia na mag-patuloy sa paghawak sa College of St. Benilde Blazers sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) kasi nga’y interim head coach lang siya ng Welcoat sa PBA Fiesta Cup matapos na bumaba sa kanyang puwesto si coach Leo Austria kamakailan.

Si Garcia at hindi si Alex Compton ang itinalaga ng pamunuan ng Welcoat bi-lang pansamantalang kapa-lit ni Austria. Kasi nga’y baka gamitin ng Dragons si Compton bilang second import sakaling pumalpak ang kanilang original choice.

Sa ilalim kasi ng alitun-tunin ng PBA ay hindi na pu-wedeng humawak ng team sa collegiate league o sa kahit na anong iba pang liga ang isang head coach sa pro league.

E interim head coach lang pala si Garcia dahil sa mahirap nga namang kumu-ha sila ng bagong head coach sa kalagitnaan ng season. Baka maging coun-ter productive iyon. Kasi kung bago ang kanilang coach, bagong prinsipyo ang paiiralin. E, ilang araw na lang ay magsisimula na ang second conference.

So makabubuting isang miyembro ng kasalukuyang coaching staff muna ang magpalakad sa team dahil kabisado na nito ang takbo ng Dragons. Pagkatapos ng Fiesta Cup, tsaka na lang hahanap ang Welcoat ng bagong coach.

Matatapos ang Fiesta Cup bandang Hulyo. Kung muling madidiskaril ang Wel-coat, aba’y Hunyo pa lang ay tapos na ang season para sa Dragons. Sakaling mag-improve ang kanilang performance, abot sila hanggang unang linggo ng Hulyo. Hindi tatama iyon sa pagsisimula ng 2008 season ng NCAA.

Ibig sabihin ay libre pa ring mahahawakan ni Garcia ang Blazers sa NCAA dahil sa break naman iyon ng PBA. Magsisimula ang susu-nod na season ng PBA ka-pag natapos na ang basketball tournament ng NCAA.

Naalala ko na nangyari na rin ang ganitong sitwas-yon kay Arturo Valenzona noong hawak pa niya ang San Sebastian Stags sa NCAA. Itinalaga siyang coach ng Pop Cola sa huling conference ng PBA. Hindi siya nagbitiw bilang head coach ng Stags dahil hindi naman sumapaw ang kan-yang obligasyon sa PBA team niya sa NCAA season. Pero nang sumunod na season ay pinalitan na siya ng Pop Cola.

So, puwede naman pa-lang ikutan ang PBA rule, e.

Halimbawa, pagkata-pos ng Fiesta Conference ay hawakan ni Garcia ang Blazers. Pagkatapos ng NCAA, puwede siyang ita-laga bilang head coach (hindi na interim) ng Wel-coat. E, ‘di lusot!

Pero isang beses lang siguro ito magagawa ng isang coach. Pag paulit-ulit na pinaikutan ang rules ng PBA, mahahalata na siya at tiyak na pagbabawalan na.

Hehehe..

* * *

Sa pamamagitan ng column na ito ay nais kong pa-salamatan ang mga duma-may at nakidalamhati sa pagpanaw ng aking inang si Maria Carrillo Zaldivar noong nakaraang buwan.

Show comments