Tinanghal si Jericho Banares ng Antipolo City bilang 2008 Philippine Junior Pool Champion sa pagtatapos ng 2nd BSCP Junior Pool Championship na ginanap sa Star Billiards Center sa Quezon City.
Tinalo si Banares si John Carlo Cerna ng Pasay City, 13-8 sa finals ng tournament kung saan 54 players na may edad na19 anyos at pababa mula sa iba’t ibang dako ng bansa ang sumali.
Naghahabol si Banares sa kaagahan ng laban 1-3, ngunit sunud-sunod na racks ang ipinanalo ng Antipolo cue artist upang agawin ang kalamangan at hindi na muling bumitiw pa tungo sa kanyang tagumpay.
Lamang na si Banares sa 12-6, nagtangkang makabangon si Cerna nang kunin nito ang dala-wang sunod na racks ngunit sa ika-21st game, sumablay ito sa nine ball sa corner pocket dahi-lan upang isuko nito ang laban.
Sina Banares at Cerna ay pinagkalooban ng slots sa 2008 World Junior Pool Championship na nakatakda sa US sa November.
Ang Ten top junior players, ay magiging bahagi ng national pool na isasailalim ng BSCP sa intensive training program na magsisimula sa April.