Pharex, San Mig tangka ang ika-3 straight win

Matapos talunin ang isa sa mga title contenders, hangad ng Pharex na mapahanay sa mga ito tangka ang ikatlong sunod na pa-nalo kontra sa Noosa Shoes sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup na magpapatuloy sa The Arena sa San Juan.

Dahil sa kanilang maturity at pamilyaridad, hangad ng Pharex Medics na masundan ang impresibong 100-96 win laban sa Gabe Norwood-led Hapee Toothpaste nitong Martes, sa pakikipagsagupa sa Shoe Stars sa alas-2:00 ng hapon.

Tangka rin ng San Mig Coffee ang ikatlong sunod na panalo sa pakikipagharap sa Hapee sa alas-4:00 ng hapon.

Taglay ng Medics ang 4-1 record para sa No. 2 position sa likod ng nangungunang defending champion Harbour Centre na walang laro ngayon kasunod ang Burger King (4-2) at Hapee (3-3) habang ang Coffee Kings ay may 2-2 kartada katabla ang Noosa. (MB)

Show comments