Bago si Manny si Bobby muna

LAS VEGAS — Bago si Manny, nakatakdang umakyat sa kanyang combacking fight si Bobby Pacquiao ngayong gabi sa Hard Rock Hotel dito.

Haharapin ni Bobby ang sumisikat na Mexican na si Urbano Antillion na wala pang talo sa kanyang pagpasok sa 21 professional fights kabilang na 14 knockouts at umaasa si Bobby na ang panalo ay maglalagay sa kanya sa tamang direksiyon.

Target naman ng Mexicano ang malinis na at perpektong reckord.

Si Pacquiao ay lumaban na ng anim sa Amerika sapul noong 2005 at nagwagi ng apat na beses --kontra kina Carlos Navarro, Carlos Hernandez, Kevin Kelly at Fernando Trejo, na kanyang pinatulog sa loob ng apat na round noong Nobyembre.

Show comments