Bumandera sina Glenn Bolocon, Neil Raneses at JP Alcaraz ng 19, 18 at 14 puntos ayon sa pagkakasunod, para igiya ang San Mig Coffee sa 86-68 tagumpay kontra sa Noosa Shoes sa pag-usad ng elimination round ng 2008 PBL Lipovitan Amino Sports Cup kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Nalasap naman ng Hapee Toothpaste ang ikalawang sunod na talo nang bumandera si Don Villamin sa paghakot ng 15-puntos, 8-rebounds at 8-assists para tulungan ang Pharex sa 100-96 panalo sa ikalawang laro.
Umangat ang Medics sa 4-1 rekord para sumegunda sa nagdedepensang Harbour Centre Batang Pier (4-0) na walang lar ngayon.
Nalaglag ang Complete Protectors sa 3-2 katabla ang Burger King (3-2) at ang Coffee Kings na naglista ng kanilang ikalawang sunod na panalo habang bumagsak ang Shoe Stars sa 2-2 kartada.
Itinala ng Pharex ni Ca-rlo Tan ang 92-83 abante sa 4:04 ng final canto mula sa dalawang sunod na basket ni Villamin bago nakadikit ang tropa ni Louie Alas sa 90-94 agwat sa 2:19 nito buhat sa follow up ni Jervy Cruz.
Sinamantala ng San Mig ni Koy Banal ang pagiging kumpiyansa ng Noosa ni Leo Isaac para sa kanilang two-game winning run.