Orcollo sasabak sa Japan 9-Ball Open

Sasabak si reigning world no. 1 at Philippine money-game king Dennis Orcollo sa prestihiyoso at mayamang 2008 Japan 9-Ball Open sa March 22 sa Tokyo.

“Talagang pinagha-handaan ko itong Japan Open dahil isa ito sa malalaking tournament, na bukod sa may mala-king premyo ay pwede kong gawing training ground para sa pinaka-target ko, na maging world champion,” wika ng 29-gulang na tubong Surigao del Sur na naka-takdang sumabak sa 2008 World 8-Ball Championship sa Fujairah, UAE kung saan runner-up siya noong nakaraang taon.

Makakasama ni Orcollo na makikipagla-ban para sa one-million yen ay ang kanyang mga kapwa Bugsy Promotions stalwarts na sina former double world champion Ronnie Alcano, 2007 World Pool runner-up Roberto Gomez, former Asian Games gold medalist Gandy Valle at top rising star Joven Busta-mante.

Sina defending champion Alex Pagulayan, kapwa niya dating world champion Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante, reigning national champion Lee Van Corteza, Warren Kiamco, Antonio Lining, Dondon Razalan at Roel Esquillo ay bahagi din ng delegasyon na suportado ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP), Puyat Sports, Negros Billiards Stable at Bugsy Promotions. (Mae Balbuena)

Show comments