Happy ang Noosa

Nagkaroon ng dahilan ang Noosa na ngumiti nang igupo ang Hapee Toothpaste, 77-76 panalo habang nakatikim naman ng panalo ang San Mig Coffee matapos igupo ang Pha-rex, 91-82 sa pagpapatuloy ng  PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa Rizal Memorial Coliseum.

Umiskor si Noy Javier ng buzzer-beating 3-point  para kumpletuhin ang pagbangon ng Noosa mula sa seven-point deficit tungosa ikalawang panalo sa 3-laro habang nalasap ng Hapee ang unang talo at bumagsak sa  3-1 record katabla ang pahingang Burger King sa likod ng lider na nagdedepensang kameong Harbour Centre na angat sa 3-0 record.

Pinaigting ng Coffee Kings ang kanilang team defense at isinantabi muna ang one-on-one plays, habang unti-unting bumagsak ang Medics sa hling 4-minuto ng labanan na siyang susi sa kanilang unang panalo matapos mabigo sa 2-asig-natura habang nalasap naman ng Pharex ang unang talo sa 3-laro. (Mae Balbuena)

Show comments