‘Pare-pareho lang ang mga Mexican boxers’ — Pacquiao
Walang pinagkaiba si Juan Manuel Marquez sa mga kapwa niya Mexican fighters na sina three-time world boxing champions Erik Morales at Marco Antonio Barrera, Oscar Larios, Israel Velasquez at Jorge Solis.
Ayon kay Filipino boxing superstar Manny Pacquiao, ang pagkaka-iba lamang ng naturang mga Mexican warriors ay ang kani-kanilang mga istilo sa ibabaw ng boxing ring.
“Sa tingin ko pare-pareho silang magaga-ling na boksingero pero iba-iba lang siguro ang style nila sa boxing,” wika ng 29-anyos na si Pacquiao kahapon mula sa kanyang pagsasanay sa Wild Card Boxing Gym sa
Matapos mabigo sa kanilang unang salpukan, dalawang sunod na beses na tinalo ni Pac-quiao si Morales, habang dalawang sunod naman niyang binigo si Barrera, ang huli ay noong Ok-tubre 6 sa kanilang re-match.
Sa kabila naman ng kanyang tatlong ulit na pagpapabagsak sa 34-anyos na si Marquez sa first round sa kanilang unang labanan noong Mayo 8 ng 2004, isang kontrobersyal na draw ang naitakas ng tina-guriang “El Dinamita”. “Hindi ko naman ina-underestimate si Marquez,” wika ni Pacquiao sa kani-lang rematch sa Marso 15 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa
Si Marquez, nasa maigting na preparas-yon rin sa La Romanza Boxing Gym sa Mexico City, ang kasalukuyang super featherweight champion ng World Boxing Council (WBC).
Umiskor si Marquez ng isang unanimous decision kay Barrera para agawin ang suot nitong WBC belt noong Marso 17, 2007 kasunod ang matagumpay na pagde-depensa kontra kay American challenger Rocky Juarez noong Nobyembre. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending