Matira Matibay!

Pagkatapos ng laro ngayon ay may idedek-lara nang kampeon ng Smart PBA Philippine Cup kaya asahang punum-puno ng tensiyon at emosyon ang labanan ngayon ng Purefoods at Sta. Lucia.

“I think it’s going to be a war,” pahayag ng 35-anyos na si Purefoods coach Ryan Gregorio. “I’ve been saying this right before  the start of the series because Sta. Lucia is really a tough nut to crack.”

 Gaganapin ngayon ang deciding Game-Seven ng titular series ng Giants at Realtors sa alas-6:30 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Hangad ni Gregorio ang kanyang ikatlong championship title ha-bang nais namang ma-kopo ni Sta. Lucia coach Boyet Fernandez ang kanyang kauna-unahang titulo bilang coach, ikala-wa para sa  Sta. Lucia na ang tanging titulo ay ang 2001 Governors Cup sa ilalim ni mentor Norman Black sa tulong ni import Damien Owens.

Dalawang beses nang nagawa ng Pure-foods na makabangon sa 0-2 deficit at determi-nado silang gawin ulit ito ngayon.

Nakauna ang Realtors sa 2-0 ngunit  buma-ngon ang Purefoods para itabla sa 2-2. Nakuha ng Sta. Lucia ang abante nang i-serve ng Pure-foods ace na si James Yap ang kanyang kontro-bersiyal na one-game suspension at sa kan-yang pagbabalik laro noong Game-Six ay isinulong nito ang Pure-foods upang itabla ang serye sa 3-all at ipuwersa ang winner-take-all match na ito.

Kinana ng 2006 Most Valuabe Player na si Yap ang 20 sa kanang tinapos na 30-puntos sa fourth quarter tampok ang kan-yang limang tres tungo sa 89-81 panalo ng Giants.

“For  us, we were able to survive Game 6. We were able to bounce back after being down 0-2 and this is not the time for us to retreat,” ani Gregorio. “Forward we go and hopefully, we can do everything humanly possible to get that crown.”

Determinado rin ang Sta. Lucia na makuha ang korona. “It was like a stumbling block. Medyo nadulas lang kami ng konti but still ‘yong motto naming believe nandoon pa rin,” ani Fernandez. “Naniniwala pa rin akong kami pa rin ang mananalo sa huli.” (Mae Balbuena)

Show comments