Hindi lamang ang anak na si world flyweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. ang papanoorin ni Nonito, Sr. kundi maging ang laban nina Mexican light flyweight titlist Ulises “Archie” Solis at Filipino challenger Juanito Rubillar.
Sakaling maging mata-gumpay ang pagdede-pensa ni Solis ng kanyang suot na International Boxing Federation (IBF) light flyweight belt kay Rubillar, tiyak na ang laban nito kay Glenn “The Filipino Bomber” Donaire.
“Kung mananalo si Ulises Solis kay Juanito Rubillar, definitely si Glenn ang makakalaban ni Solis para sa next title defense niya,” wika ni Nonito, Sr.
Matapos umiskor ng isang unanimous decision kay Brazilian Olympian Jose Albuquerque sa kanilang 8-round bout noong Pebrero 22, pina-ngakuan ang 28-anyos na si Glenn ng isang title shot sa 26-anyos na si Solis.
Magtatagpo sina Solis at Rubillar sa undercard ng pagdedepensa ni Donaire ng kanyang IBF at International Boxing Organization (IBO) flyweight belt kay Labanese challenger Hussein Hussein sa Abril 18 sa Aviation Center sa Dubai, United Arab Emirates.
Tangan ni Solis, tumalo kina Rodel Mayol at Bert Batawang noong Agosto 4 at Disyembre 15 ng 2007, ayon sa pagka--kasunod, ang 26-1-2 win-loss-draw ring record kasama ang 20 KOs kum-para sa 44-10-7 (21KOs) slate ng 31-anyos na si Rubillar.
“Kung matatalo si Solis kay Rubillar, babalik kami sa drawing board ni Glenn kasi hindi naman namin alam kung puwede naming makalaban si Rubillar,” wika ni Nonito, Sr.
Tangan ni Glenn, na-talo kay dating IBF at IBO flyweight titlist Vic Dar-chinyan via sixth-round technical decision noong Nobyembre 7 ng 2006, ang 17-3-1 (9 KOs) card. (Russell Cadayona)