Nagtala ng magkahi-walay na panalo ang Hapee Toothpaste at ang Pharex para makisalo sa pamumuno PBL Lipovi-tan Amino Sports Cup na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan.
Tinapos ni Mark Borboran ang sinimulan ni Fil-Am Gabe Norwood para maitakas ng Hapee Toothpaste ang 85-83 panalo laban sa Bacchus Energy Drink.
Dahil sa mahigpit na depensa ng Bacchus, napuwersa si Norwood na ipasa ang bola kay Borboran na naiwanan ng defender at kinana nito ang kanyang ikalawang tres na siyang kumitil sa pag-asa ng Raiders.
Sa pagtatangka ng Bacchus na maisalba ang panalo, pinigilan na-man ni Norwood ang attempt ni Nat Cruz hang-gang sa maubos ang oras.
Bunga nito, sumalo ang Hapee sa pahingang defending champion Har- bour Centre sa 2-0 record sa liderato habang nala-sap naman ng Bacchus at Toyota ang ikalawang dikit na kabiguan.
Kumawala naman sa third quarter ang Pharex sa tulong ni Francis Allera na kumamada ng 11 na puntos tampok ang kan-yang dalawang tres para sa 98-78 panalo kontra sa Toyota Otis sa ikatlong laro.
Nanguna naman si Emer Oreta para sa Medics sa kanyang 16 points.
Sa unang laro, tinu-ruan ng Burger King ng leksiyon ang Nokia Philippine Youth team mata-pos itala ang 83-61 pa-nalo.
Ginamit ng Whoppers ang kanilang tangkad at laki ng katawan laban sa RP youth squad na nag-hahanda para sa mala-laking international tournaments, para isara ang unang quarter sa 25-12 kalamangan bago nila iposte ang 54-34 bentahe sa ikatlong quarter.
Dinurog ng Whoppers sa rebounding ang RP team, 61-36 at may 42 percent sa shooting ( 33 of 78). (Mae Balbuena)