Matapos ang halos limang buwan, nakatak-dang idepensa ni Filipino world minimumweight champion Donnie Nietes ang kanyang korona sa Abril 18 sa Aviation Center sa Dubai, United Arab Emirates.
Makakasagupa ng 25-anyos na si Nietes si Colombian challenger Daniel Reyes para sa kanyang unang title defense sa suot na World Boxing Organization (WBO) minimumweight belt.
“After naman nu’ng panalo ko kay Pronsawan Kratingdaenggym tala-gang nag-training na rin ako eh,” wika ni Nietes.
Umiskor si Nietes ng isang unanimous decision laban kay Krating-daenggym para angkinin ang dating bakanteng WBO crown noong Ok-tubre 30 sa Cebu City.
Dadalhin ng tubong Murcia, Bacolod City ang 22-1-3 win-loss-draw ring record kasama ang 13 KOs, samantalang ta-ngan naman ng 35-anyos na si Reyes ang matin-ding 39-5-1 (30 KOs) slate.
“Medyo napanood ko na yung mga laban niya, kaya talagang hindi ako puwedeng magkumpi-yansa sa laban namin,” sabi ni Nietes kay Reyes. “Hindi talaga ako nagpa-pabaya sa training ko para maging successful ang unang title defense ko.”
Nanggaling si Reyes sa isang panalo kay John Alberto Molina via unanimous decision sa kani-lang 10-round fight noong Agosto 18.
Ang pagdedepensa ni Nietes laban kay Reyes ay undercard sa ikala-wang title defense ni International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) flyweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. kay Lebanese challenger Hussein Hussein. (Russell Cadayona)