^

PSN Palaro

P40M pondo ng POC pagkakasyahin sa Beijing Olympics

-

Sa paglobo ng mga Olympic qualifiers para sa 2008 Beijing Games sa China sa Agosto, napilitan ang Philippine Olympic Committee na gumawa ng hakbang para mapagkasya ang itinakdang P40 milyong pondo.

Umabot na sa 11 ang bilang ng mga Olympic-bound Filipino athletes mula sa pagkakasikwat ni national diver Rexel Ryan Fabriga ng pinakahuling qualifying berth sa pagtatapos bilang fourth placer sa katatapos na 16th FINA World Diving Cup sa Beijing, China. 

“Ang nangyayari kasi ngayon biglang may magku-qualify, eh nawawala sa budget ‘yung additional qualifier,” ani Cojuangco. “Kaya ang ginawa natin sa swimming, nakiusap tayo na kung puwede ito na ‘yung budget at ngayon ‘yung mga darating gagawa na lamang tayo ng amendments.”

Matatandaang naglatag ang Philippine Sports Commission (PSC) ng pondong P30 milyon para sa pagsasanay at partisipasyon ng mga national athletes sa 2008 Beijing Games bago nagdagdag ang Kongreso ng P10 milyon para sa kabuuang P40 milyon.

Hiningan na ng POC at ng PSC ang mga National Sports Associations  (NSA) na may Olympic qualifier ng budget proposal para sa paghahan-da ng kani-kanilang mga atleta.

Bukod kay Fabriga, ang iba pang national athletes na nakapagbulsa na ng Olympic ticket ay sina swimmers Miguel Molina, Ryan Arabejo, Daniel Coakley, JB Walsh at Cristel Simms, taekwondo jins Tshomlee Go at Maria Antonette Rivero, boxer Harry Tanamor at archer Mark Javier. 

Samantala, apat pang atleta ng swimming association ang sinasabi ng pangulo nitong si Mark Joseph na makakakuha rin ng Olympic seats. 

“We’re hoping for another four to qualify for the 2008 Olympic Games in Beijing, China,” wika ni Joseph. “I feel very confident about the two, while the third one will be Jacklyn Pangilinan who we’ve heard will be retiring.” (Russell Cadayona)

vuukle comment

BEIJING

BEIJING GAMES

CRISTEL SIMMS

DANIEL COAKLEY

HARRY TANAMOR

JACKLYN PANGILINAN

MARIA ANTONETTE RIVERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with