Sumandal ang University of Santo Tomas sa malakas na laro ni Nikki Manalo upang igupo ang Ateneo, 3-1 at isukbit ang ikalwang sunod na titulo sa UAAP women’s tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.
Si Manalo, tinanghal na Most Valuable Player ng torneo, ay nagwagi at ibigay sa Tigresses ang panalo sa pamamagitan ng 6-3, 5-5 (retired) na panalo kay Ivy Castro ng Lady Eagles.
Sa doubles, bumangon ang Tigresses nang daigin nina Kat Castro at Cristina Santos sina Carla Ferrer at Isabelle Ong, 6-2, 6-2, habang tinalo ni May May Herrera at rookie JC Ortellano ang beteranang Lady Eagles na sina Kat Pamintuan at Brittany Araneta, 6-2, 6-4.
Sa men’s volleyball finals, nagtulong sina Harby Ilano at Reno Roque sa pinagsamang 25 hits ha-bang nagdagdag naman ang 6’4 na si John Torres ng 11 points nang gulatin ng UST ang FEU, 25-19, 16-25, 29-27, 25-19, para kunin ang series opener noong Linggo ng gabi sa The Arena sa San Juan.
Sa baseball, tinalo ng Adamson ang University of the Philippines, 3-1, upang isaayos ang finals showdown sa UST noong Linggo sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Ang Game 1 ng Growling Tigers-Falcons best-of-three championship affair ay magsisimula sa Miyerkules.