^

PSN Palaro

Lugar, ‘di makakaapekto sa pagdepensa ni Donaire

-

Hindi makakaapekto kay Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. ang lugar na pagdedepensahan niya ng kanyang hawak na world flyweight belt. 

Nakatakdang ipagtanggol ng 24-anyos na si Donaire ang kanyang suot na International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) flyweight title laban kay Lebanese challenger Hussein Hussein sa Abril 18 sa Dubai, United Arab Emirates.

“I think it doesn’t matter where it is. If I perform the best of my ability, I will be able to come out there victorious,” ani Donaire.

Nakatakdang umpisahan ni Donaire, tubong General Santos City at nakabase ngayon sa San Leandro, California, ang kanyang training bilang paghahanda sa 32-anyos na si Hussein.

Ito ang ikalawang pagkakataon na idedepensa ni Donaire ang kanyang IBF at IBO crown matapos umiskor ng isang eight-round TKO kay Mexican challenger Luis Maldonado noong Disyembre 1 sa Mashantucket, Connecticut.

Isang fifth-round TKO ang kinuha ni Donaire kay Armenian Vic Darchinyan noong Hulyo 7 para agawin ang IBF at IBO flyweight belt sa Bridgeport, Connecticut.

Matapos si Hussein, plano naman ni Donaire na hamunin sina World Boxing Council (WBC) king Daisuke Naito at World Boxing Association (WBA) ruler Takefumi Sakata.

Samantala, magbabalik naman sa aksyon ang utol ni Donaire na si Glen Donaire sa pakikipagtagpo nito kay Jose Albuquerque ngayong Pebrero 22 sa Sliver Legacy Resort Casino sa Reno, Nevada. (Russell Cadayona)

ARMENIAN VIC DARCHINYAN

CITY

DAISUKE NAITO

DONAIRE

FILIPINO FLASH

GENERAL SANTOS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with