Apat na alas ang hawak ng Batang Pier
Apat na alas ang hawak ng Harbour Centre sa kanilang pagkampanya sa ikalimang sunod na titulo sa Philippine Basketball League.
Babanderahan ng deadly duo nina TY Tang at Solomon Mercado sa board, dalawa pang beteranong player na two-time MVP ng liga sa katauhan nina Jason Castro at Jonathan Fernandez ang mapapabilang sa lineup ng Batang Pier para mapadali ang backcourt rotation ng season-ending Unity Cup sa magsisimula sa Sabado sa The Arena sa San Juan.
Sina Castro at Fernandez, dalawang pangunahing sandata ng Harbour Centre nang magkampeon sa nasabing kumperensiya may isang taon na ang nakakalipas, ay hiniram ng Philippine basketball team nang humatak ang Batang Pier ng kaniang ikaapat na sunod na korona.
Sa kanilang pagkawala, bumandera naman sina Tang at Mercado upang makopo ng koponan ang V-Go Extreme Cup title sa decisive Game 3 kontra sa Hapee Toothpaste.
“It’s a case of four heads are better than two,” anang batang Harbour Centre owner na si Mikee Romero. “But seriously speaking, I think with the return of Jason and Jonathan, our backcourt has become more solid and more steady.”
Apat pang iba mula sa National team ang maglalaro sa Batang Pier ngayong kumperensiya ang mga datihan na sina Beau Belga at Chad Alonzo, kasama ang bagong kuha na sina Jeff Chan and Boyet Bautista.
Kukumpleto sa lineup sina Edwin Asoro, Al Vergara, Eric dela Cuesta at Gerwin Gaco.
- Latest
- Trending