Turqueza champion ng MCC 16-under chessfest

Tinalo ni top seed Mari Joseph Turqueza si Malcolm Kwok sa 36 moves ng Sicilian-Alapin variation upang maghari sa MCC 16-under standard chess tourney na ginanap ng weekend sa St. Francis Square sa likod ng SM Megamall sa Mandaluyong City.

Tumapos si Turqueza na may kabuuang 5.5 points sa kanyang five wins at isang draw pagkatapos ng anim na round para makopo ang youth title event na regular na ino-or-ganisa ng Metropolitan Chess Club.

Tinalo ni fifth seed Claudio Olar Jr. ng Quirino High School si Sta. Rosa bet Ian Jasper For-cado para makopo ang second place sa kanilang final score na 5.0 points.

Magkakasalo sa 3rd-5th places na may tig-4.0 points ay sina Christine Laz ng Quezon City, Marie Antoinette San Diego ng Dasmariñas at Brianne Aryeh Balintec ng Antipolo City.

Nanguna naman sa iba’t ibang divisions sina Andrew Sopungco (6-under); Dennis Gutierrez Jr.(8-under); San Diego (10-under); Forcado (12-under) at Olar (14-under).

Show comments