Sa pangunguna ni four-time World Cup champion Paeng Nepomuceno, nagtipon-tipon ang 21 na prominenteng bow-lers sa Milwaukee para sa international coach/instructor training seminar sa USBC (US Bowling Congress headquarters.
“It’s a vital part of USBC’s effort to help creat an international coaching program,” ani Nepomuceno ukol sa conference na matatapos sa Sabado (Linggo sa Manila). “I’m happy to be considered as one of the participants because I’d be able to learn more information about the sport which was given me countless honors.
Ang iba pang makikibahagi sa conference ay sina Andres Gomes ng Columbia, Andrew Frawley at Jason Belmonte ng Australia, Cassidy Schaub ng US, Christer Backe at Magnis Johnsson ng Sweden, Daniel Falconi at Ernesto Avila ng Mexico, Erik Garder ng Norway, Foong Tak Meng at Hollo-way Cheah ng Malaysia, Julia-no Olivera at Marcio Viera ng Brazil, Kazuhide Shimoji ng Japan, Kim Eui Young ng Korea, Pedro Merani ng Argentina, Sandy Lowe ng Canada, Steve Innin ng England, Thomas Tybi ng Austria at William Woo ng Singapore.
Ang mga bagong trained na coaches ay magiging USBC certified coaches sa kanilang sariling bansa at rehiyon na magde-develop ng mga high-level bowlers.
Ang programang ito ay naglalayong mapabuti ang antas ng bowling competition sa buong mundo para sa inaasam-asam na mapasama ang sport sa Olimpiyada.