Naku 2-0 na ang Sta. Lucia Realty sa kanilang titular showdown ng Purefoods Tender Juicy Giants.
Maraming Purefoods fans ang nagtatanong kung bakit tila mas maigting ang pagnanais ng Realtors sa kampeonato kaysa sa kanilang paboritong team.
Para daw ibang Purefoods ang naglalaro.
Hindi naman siguro.
Hindi siguro dapat mag-alala ang mga fans dahil best-of-7 ang nabanggit na serye at tiyak na sa Game Three ay hindi na papayag ang Giants na tuluyan silang mabaon.
Ngunit mahirap nang umahon kapag 3-0 na ang serye kaya dapat na magisip-isip na ang Purefoods at si coach Ryan Gregorio ng bagong estratehiya para mapigil ang Realtors at si coach Boyet Fernandez.
Kapag nakuha pa ng Realtors ang Game Three, delikado na ang lagay ng Purefoods.
Parang David and Goliath ang kalalabasan ng kanilang serye, dahil sa liyamado ang Giants sa serye na ito kumpara sa Realtors. At hindi lang ‘yun sobrang gutom sa titulo ang Sta. Lucia kaya kakaiba ang kanilang nilalaro sa kampeonatong ito.
Kaya hindi dapat balewalain ni Gregorio at ng Giants ito dahil matagal na na ang panahon nang nagkampeon ang Sta. Lucia kaya gutom na gutom na parang buwaya ang Realtors sa titulo.
So, gising na Purefoods dahil baka sa kagutuman ng Realtors na titulo ay tuluyan kayong lamunin nito.
* * *
Kahit may edad na si Francis Arnaiz ay bakas pa rin ang kanyang kakisigan. Nakita ko siya sa TV kamakailan nang bigyan ito ng parangal ng PBA. Nagka-edad na nga pero guwapong-guwapo pa rin.
* * *
Personal: Belated happy birthday sa aking dearest daughter na si Leslie Jylle na nag-celebrate ng kanyang kaarawan kahapon (Feb. 18). Gayundin kay Lani Enriquez (Feb.18), Ella Mae Madla (Feb.18), Bonnie Lachica (Feb. 18), Richard Bernardo (Feb. 19) Rommel Condino (Feb. 20) at Franz Pumaren (Feb. 25)