Pinoy chess players wagi

Inilampaso ni Pinoy Singapore based International Master Julio Catalino Sadorra si  GM Al-Rakib Abdulla ng Bangladesh para mapalawig ang tsansa sa pagkopo ng GM norm matapos ang four rounds ng  Aeroflot Open 2008 International Chess Festival sa Gamma Delta Hotel sa Moscow, Russia Linggo ng gabi.

Dahil sa tinamong tagum-pay, ang 21 anyos na si Sadorra, na target ang second GM norms/ results ay mayroon ng two wins, draw at loss para sa 2.5 points para makasosyo sa ika-17 hanggang ika-37 na puwesto kasama ang susunod na ma-kakalaban na si GM Evgeny Shaposhnikov ng Russia, na tumabla kay IM Denny Juswanto ng Indonesia.

Naging double victory sa Team Philippines matapos magwagi ang kababayang si IM John Paul Gomez (2469) kay FM Arkadiusz Leniart ng Poland. 

Ang 24 anyos na si Gomez,  na nakatutok din sa second GM norms/ results,  ay na improve ang kanyang record na may two wins at two loses para sa 2.0 points at nakitumpok sa ika-38 hang-gang ika-59 na puwesto.

Susunod na makakalaban ng dating four-time Philippine junior champion  si IM Oliver Kurmann ng Switzerland, na nakihati din ng puntos kay IM Sasha Kaplan ng Israel.

Show comments