Matindi ang pagsasanay ni Donaire laban kay Hussein
Sa kabila ng kanyang pagbabakasyon sa Maynila, hindi pinababayaan ni world flyweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. ang kanyang katawan para sa ikalawa niyang sunod na title defense.
Ayon sa 25-anyos na si Donaire, nakatakda na siyang bumalik sa San Leandro, California ngayong linggo para simulan ang isang matinding paghahanda laban kay Lebanese challenger Hussein Hussein sa Abril 18 sa Dubai, United Arab Emirates.
“I’m feeling sharp and I’m keeping my weight on check and stuff like that,” wika ni Donaire, ang kasalukuyang flyweight champion ng International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO). “So far so good, maganda naman ang shape ko.”
Ito ang ikalawang sunod na title defense ng tubong General Santos City para sa kanyang suot na IBF at IBO flyweight belts matapos umiskor ng isang eight-round TKO kay Mexican challenger Luis Maldonado noong Disyembre 1 sa Mashantucket, Connecticut.
“Hussein Hussein is a really good fighter. He’s a world-caliber fighter and for somebody who goes in there and give it all he got and not be intimidated by any means, it’s going to be a real tough fight,” wika ni Donaire.
Dadalhin ni Donaire ang 19-1 win-loss ring record kasama ang 12 KOs, samantalang ipaparada naman ng 32-anyos na si Hussein ang 31-4 (24 KOs) slate. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending