Pagtuloy ang pagdodomina ni Charo Soriano, ang magandang middle blocker na bumabandera sa kampanya ng Ateneo para sa kaunaunahang UAAP women’s volleyball Final Four stint kontra kay reigning MVP Venus Bernal ng University of Santo Tomas sa scoring department sa pagtatapos ng double-round eliminations.
Ang dating Poveda standout na si Soriano ay may 14-game total na 242 points, limang puntos na abante sa pumapangalawang si Bernal, na may 237 points.
Samantala, maglala-ban ang FEU at Adamson sa playoff para sa top seeding sa ‘Final Four’ ngayon sa The Arena sa San Juan.
Ang magwawagi sa FEU-Adamson playoff, na nakatakda ngayong alas-4 ng hapon, ang haharap sa No. 4 Ateneo sa semifinals, habang ang talunin naman ay makakalaban ng third seed UST sa isa pang paIring.
Sa men’s semis, magkukrus ng landas ang top seed FEU at No. 4 University of the Philippines sa alas-4 ng hapon, habang maghaharap naman ang second-ranked UST at No. 3 Adamson sa alas-10 ng umaga.