Gabi ng mga atleta
Ang lahat ng atensiyon ay mapupunta sa mga bayani ng RP sports sa taong nakalipas at sila ay paparangalan sa isang seremonya sa SMC-PSA Annual Awards Night sa SM Mall of
Nangunguna sa 87 personalidad at entities na pararangalan ng pinakamatandang media organization ng bansa ay ang reigning International Boxing Federation (IBF) flyweight champion Nonito Donaire Jr. at si 24th Thailand Southeast Asian Games Best Male Athlete Miguel Molina, na napiling co-winner ng prestihiyosong Athlete of the Year.
Nasa kainitan ng kanyang preparasyon para sa susunod na title defense sa Dubai laban kay Australian Hussein Hussein, inurong ni Donaire ang kanyang biyahe patungong US upang personal na tanggapin ang award, habang darating ang 23-gulang na si Molina galing Tokyo, Japan upang dumalo sa dalawang oras na programa na ibo-broadcast ng media partners ABC-5 at DZSR Sports Radio 918.
Si Senate President Manny Villar ang special guest of honor sa makulay na seremonya na magsisimula sa alas-5:30 ng hapon at sa tulong ng mga top sports officials ng bansa sa pangunguna ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez, pangungunahan nito ang papuri sa mga mahuhusay na atleta ng 2007.
Paparangalan din sa seremonyang suportado ng Shakey’s, PSC, PAGCOR, Accel, Toby’s, Raymundo’s Trophies and Sculptures, Tagaytay City Mayor Bambol Tolentino, Air21, Noosa Shoes at Raymund Yu at Terry Que ng Welcoat Paints ang ring sensation na si Manny Pacquiao, na tatanggap ng PSA Presi-dent’s Award matapos ang 12-round domination kay Mexican legend Marco Antonio Barrera.
- Latest
- Trending