^

PSN Palaro

No. 33 ni Tejada inspirasyon ng Purefoods

-

Mula noong 2006 hanggang sa 2007-2008 PBA Philippine Cup Finals ay makikita pa rin sa mga jersey uniforms ng bawat Pure-foods Tender Juicy Giants ang No. 33 ni small forward Eugene Tejada.

Ayon kay head coach Ryan Gregorio, ito ay pagpapakita lamang ng kanilang pagpapahalaga ukol sa sakripisyo ng 6-foot-3 na si Tejada.

“I don’t know if it’s just sheer coincidence but we have made it a tradition that we wear the number 33 on our chests just for us to remember the sacrifices and the inspiration that Eugene Tejada still brings to us,” ani Gregorio.

Matatandaang isang freak accident ang nasangkutan ni Tejada noong Mayo 15 ng 2006 sa kanilang elimination game ng Red Bull Barakos.

Nagkahiwa-hiwalay ang ilang bahagi ng spinal cord ng 25-anyos na Fil-Am buhat sa masa-mang bagsak sa 75-92 kabiguan ng Chunkee Giants sa Bulls sa Ynares Center sa Antipolo City.

Matapos ang isang krusyal na operasyon, nakakalakad na muli si Tejada, kasalukuyang nasa United States.

Kasabay ng pagkakabit sa No. 33 ni Tejada sa kanilang uniporme, hangad rin ng Purefoods na makuha ang Philippine Cup, inangkin nila noong 2006, para sa pang 33 taon ng professional league.

“This is the 33rd year of the PBA and that gives us more reason to go 33 at 33,” wika ni Gregorio. “33rd season with Eugene, 33.” (Russell Cadayona)

ANTIPOLO CITY

CHUNKEE GIANTS

EUGENE TEJADA

GREGORIO

PHILIPPINE CUP

PHILIPPINE CUP FINALS

RED BULL BARAKOS

TEJADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with