^

PSN Palaro

Karanasan kay Marquez; tapang at lakas kay Pacquiao

-

May sapat na karanasan si Mexican world super featherweight champion Juan Manuel Marquez, ngunit taglay naman ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao ang tapang at lakas. 

Ito ang obserbasyon ni Filipino world bantamweight titlist Gerry Peñalosa kaugnay sa inaaba-ngang rematch ng 34-anyos na si Marquez at ng 29-anyos na si Pacquiao sa Marso 15 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada. 

Disyembre pa lamang ay sinimulan na ni Marquez, ang kasalukuyang World Boxing Council (WBC) super featherweight ruler, ang kanyang preparasyon sa La Romanza Boxing Gym sa Mexico City, habang noong Enero naman inumpisahan ni Pacquiao ang kanyang pagsasanay sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California. 

“Pareho lang silang puspusan sa pag-een-sayo,” ani Peñalosa kina Pacquiao at Marquez. “Although lamang si Manny sa power at sa bilis, matibay naman si Marquez at may experience na.”

Isang kontrobersyal na draw ang naitakas ni Marquez sa kanilang unang salpukan ni Pacquiao noong Mayo 8 ng 2004 sa Las Vegas sa kabila ng tatlong beses na pagbagsak sa first round.

Dahilan rito, pinayuhan ni Peñalosa, ang World Boxing Organization (WBO) bantamweight king ngayon, si Pacquiao sa rematch nito kay Marquez.

“Hindi rin siya nakakasiguro kasi ‘yung Marquez gusto ring makaganti at mapatunayan na siya ang nanalo sa first fight nila dahil bumagsak siya ng tatlong beses sa first round,” ani Peñalosa sa kanyang kumpareng si Pacquiao.

Sa kabila nito, inaasahan pa rin ni Peñalosa na si Pacquiao ang mananalo kasabay ng pag-agaw sa suot na WBC super featherweight crown ni Marquez. 

“Sana manalangin tayo na walang masamang mangyari kay Manny sa rematch niya kay Marquez at sana manalo si Manny,” sabi ni Peñalosa.  (Russell Cadayona)

GERRY PE

JUAN MANUEL MARQUEZ

LA ROMANZA BOXING GYM

LAS VEGAS

MANDALAY BAY RESORT

MARQUEZ

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with