Muling sisikad sa ika 4 taon ang Pista ng Pag-Ibig Cycling Challenge na itinataguyod ng Pamahalaang Lungsod ng Tagaytay sa pangunguna ni Mayor Bambol Tolentino sa pakikipagtulungan ng Professional Cycling Association of the Philippine (PCAP).
Ang nasabing karera ay itinakda sa Martes imbes na sa Lunes gaya ng nauna ng ipinahayag ni Paquito Rivas, pangulo ng PCAP na siyang namamahala ng naturang laro ayon kay Pepe Chavez director ng PCAP.
Ang karera na may habang 165 kilometro na magsisimula sa Tagaytay City, patungo sa bayan ng Tuy, Balayan, Calaca, Le-mery, Taal (By Pass) Sta. Teresita at sa turning point sa Muzon (Crossing) pabalik at aakyat sa Payapa (Diokno Hi - way) baba ng Batulao Mendez, Trese Martires, Silang patungo sa finish line sa Peoples Park.
Ang karera ay hindi elimination gaya ng alam ng mga siklista kundi ito ay bahagi ng sports program ni Mayor Bambol Tolentino.