^

PSN Palaro

Aquino, Espino at Mendoza

FREE THROWS - AC Zaldivar -

Sa umpisa ng best-of-seven semifinals series sa pagitan ng Sta. Lucia at Alaska, marami ang nagsabing ang Realtors ay tiyak na aasa sa mga batang manlalaro nila.

Kasi nga’y nakuha ng Sta. Lucia ang isa sa dalawang automatic semifinals berths sa pagtatapos ng elimination round dahil sa kabayanihan ng mga tulad nina Kelly Williams, Nelbert Omolon, Ryan Reyes, Dennis Miranda at Joseph Yeo na kinukunsiderang mga “young guns” ni coach Teodorico Fernandez III.

Kapunapuna talaga sa elimination round o sa simula ng season na ito na ang intensity at quickness ng mga batang manlalaro ng Sta. Lucia ang siyang nagiging susi sa tagumpay ng prangkisa.

Sa tutoo lang, hindi talaga ganoon kataas ang pagtingin ng mga odds makers sa Realtors bago nagsimula ang torneo. Siguro nga, ang tingin pa ng iba ay sa bottom half ng standings pupulutin ang tropa ni Fernandez sa kabila ng pangyayaring sumegunda ang Realtors sa isang torneo sa Brunei at pagkatapos ay nagtungo pa sila sa Estados Unidos para mag-traning.

Pero nagpeak nga ang Realtors sa tamang oras at napanalunan nila ang huling walong games sa elims para dumiretso agad sa semifinals.

So, ang naging tema ng semifinals duel ng Sta. Lucia kontra Alaska Milk ay bata kontra beterano. Kasi nga, kaya naman umabot sa semis ang Aces ay dahil sa matinding performances ng mga tulad nina Willie Miller, Jeffrey Cariaso, Mike Cortez, Reynell Hugnatan at John Ferriols at Tony dela Cruz. Iilan lang naman ang mga batang players ng Alaska Milk, e.

Idagdag pa riyan na di hamak na mas beterano si Alaska coach Tim Cone kaysa kay Fernandez na nasa ikalawang conference pa lang niya bilang coach ng Sta. Lucia. At si Fernandez ay naging manlalaro ni Cone sa Alaska Milk noong 1997.

Oh well, bagamat mga bata ang susi sa initial na tagumpay ng Realtors, maaasahan pa pala ang mga beterano. At ito’y pinatunayan nina Marlou Aquino, Dennis Espino at Paolo Mendoza sa Game Five kung saan nagtulong silang tatlo para sa kabuuang 53 puntos at dinaig ng Realtors ang Aces, 95-90 para sa 3-2 series lead. Ang pitak na ito’y isinusulat habang hindi pa naglalaban ang Aces at Realtors sa Game Six. Puwedeng naitabla ng Alaska ang serye, 3-all o nakarating na sa Finals ang Realtors.

Kumbaga’y nagparamdam lang ang tatlong beterano na para bang sinasabing: “Andito pa kami. Pwede pa kami. Puprublemahin pa rin kami ng kalaban.”

Sina Aquino, Espino at Mendoza ang tanging mga Realtors na nalalabi buhat sa koponang nagkamit ng kaisa-isang kampeonato para sa prangkisa noong 2001. At natural na hangad nilang maulit ang karanasang iyon.

Kaya naman kung sakaling papasok o pumasok na sa Finals ang Sta. Lucia, tiyak na sisingasing ang tatlong ito. Higit kailanman, sa Finals kakailanganin ng Realtors ang karanasan!

ALASKA MILK

DENNIS ESPINO

FERNANDEZ

PLACE

REALTORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with