^

PSN Palaro

PBL teams magkakasukatan sa pre-season tournament

-

Para mabigyan ng pagkakataon ang walong koponan na masukat ang kanilang kahandaan at lakas para sa nalalapit na Unity Cup, magkakaroon ng Philippine Basketball League pre-season tournament sa susunod na linggo sa iba’t ibang venues.

Sa four-day tournament, dalawang beses lalaro ang bawat team, sapat na para magkaroon sila ng ideya kung anong remedyo ang dapat gawin ang mga coaching bago magbukas ang liga sa  Feb. 23.

“They can use the tournament as a barometer on how far they can go this coming tournament,” ani Commissioner Chino Tri-nidad. “Perhaps, they can also make some adjustments with their line-up after the tournament.”

Maglalaban sa Lunes sa alas-4:00 ng hapon ay ang  four-peat winner Harbour Centre at Bacchus Energy Drink habang magsasagupa naman ang Pharex at Burger King sa alas-2:00 ng hapon na lalaruin sa Emilio Aguinaldo College gym sa Manila.

Matutuon ang pansin sa Harbour Centre  sa pagbabalik ng kanilang mga players na ipinahiram sa Philippine team na nanalo ng gold sa SEA Games gold sa Thailand noong December.

Batang Pier na uli sina MVP Jason Castro, Chad Alonzo, Jonathan Fernandez, Beau Belga, at ang mga recruits na sina Jeff Chan at Boyet Bautista.

Sa Martes sa Arellano University gym, maghaharap ang nagbabalik na Noosa Shoes (dating Blue Detergent) at Hapee Toothpaste gayundin ang Toyota Otis sa San Mig Coffee. Ang susunod na laro ay gaganapin sa Blue Eagle gym.

vuukle comment

BATANG PIER

BEAU BELGA

BLUE DETERGENT

BLUE EAGLE

BOYET BAUTISTA

BURGER KING

CHAD ALONZO

HARBOUR CENTRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with