RP Davis Cuppers handa na vs Japan
Bago pangarapin ang paglalaro sa 2008 Olympic Games sa Beijing, China sa Agosto, ang kampanya muna ng Philippine Team sa Asia-Oceania Davis Cup Group 1 tie ang uunahin ni Filipino top netter Cecil Mamiit.
“I’d like to take that chance because there are other players bidding for the wildcard spot,” wika ng 28-anyos na si Mamiit. “I really don’t know the logistics of what is the best way to get that Olympic bid.”
Ang maalamat na si Felicisimo Ampon pa rin ang sinasabing pinakamagaling na Filipino netter matapos maghari sa men’s singles ng 1937
“Right now, it’s just proper for me to really take care of the Davis Cup,” wika ni Mamiit, humataw ng dalawang gold medal sa 23rd Southeast Asian Games noong 2005 at dalawang bronze medal sa 2006 Asian Games sa Doha, Qatar.
Nakatakdang harapin ni Mamiit ngayong umaga para sa pagsisimula ng Asia-Oceania Davis Cup Group I tie si Japanese No. 2 Takao Suzuki, ang No. 236 sa ATP rankings, sa center court ng
Makakatapat naman ni Fil-Am Eric Taino si Japanese top player Go Soeda, No. 201 sa ATP, sa isa pang singles match.
“We have been preparing for this event after the Southeast Asian Games. Our players are ready and we are confident on our chances,” sabi ni RP Team non playing team captain Martin Misa.
Sa Sabado makakasagupa nina Johnny Arcilla at PJ Tierro sina No. 367 Satoshi Iwabuchi at No. 1017 Yuichi Sugita sa doubles event at magkakatagpo nina Mamiit at Taino sa Linggo sina Soeda at Suzuki, ayon sa pagkakasunod, sa reverse singles. (RCadayona)
- Latest
- Trending