Donaire mas mahihirapan kay Hussein

Kung nahirapan man si Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr sa kanyang unang title defense, mas higit kay Lebanese challenger Hussein Hussein.

Sinabi ni American promoter Gary Shaw na handang-handa na si Hussein sa kanyang paghahamon kay Donaire, ang kasalukuyang flyweight champion ng International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO), sa Abril 4 sa Dubai, United Arab Emirates.

“Hussein Hussein is looking very good these days. He has been with Vic (Darchinyan) throughout Vic’s preparation against Z Gorres,” wika ni Shaw.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na ipagtatanggol ng 25-anyos na si Donaire ang kanyang suot na IBF at IBO flyweight belt matapos umiskor ng isang eight-round TKO kay Mexican challenger Luis Maldonado noong Disyembre 1 sa Mashan-tucket, Connecticut.

Umiskor si Donaire ng isang fifth-round TKO kay Darchinyan noong Hulyo 7 sa Bridgeport, Connecticut para maagaw ang IBF at IBO titles.

“He’s ready for that battle against Nonito Donaire. So Nonito Donaire should train much harder this time if he wants to keep that title longer,” pagbabanta ni Shaw sa tubong General Santos City.

Ibinabandera ni Donaire ang 19-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 12 KO, habang tangan naman ng 32-anyos na si Hussein ang 31-4-0 (24 KOs) slate. (RC)

Show comments