^

PSN Palaro

Klima ang bentahe ng RP Davis Cuppers sa Japan

-

Kung may bentahe mang nakikita si coach Cris Cuarto para sa Philippine Team kontra Japanese Squad sa Davis Cup Asia-Oceania Group 1 tie, ito ay ang klima.

Dalawang araw nang minamatyagan ni coach Cris Cuarto ang mga Japanese netters sa kanilang ensayo sa Rizal Memorial Tennis Center kung saan ilalaro ang naturang duwelo.

Ayon kay Cuarto, halatang hirap sa sobrang init ng panahon ang Japanese team.

“Sa Japan right now is really cold. So I think the heat is a big factor na tiyak na magbibigay sa atin ng advantage,” wika ni Cuarto. “They have been drinking plenty of water tuwing practice nila, which is a sign of dehydration.”

Magsisimula ang banggaan ng RP at ng Japan, babanderahan nina ITF No. 212 Go Soe-da, No. 244 Takao Suszuki, No. 288 Kei Nishikori, No. 367 Satoshi Iwabuchi at No. 300 Gouichi Motomura, sa Pebrero 8-10.

Pangungunahan nina 24th Southeast Asian Games gold medalist Cecil Mamiit at Los Angeles-based Eric Taino ang Nationals katulong sina Johnny Arcilla, PJ Tierro, Kyle Dandan at Pablo Olivarez III.

Ito ang ika-11 paghaharap ng RP at Japan sa Davis Cup kung saan tangan ng huli ang 6-4 win-loss record.

“They have been training very rigidly for the past two weeks and I think the team will be coming off a good start come Friday,” sabi ni Cuarto sa Nationals. (RCadayona)

CECIL MAMIIT

CRIS CUARTO

DAVIS CUP

DAVIS CUP ASIA-OCEANIA GROUP

ERIC TAINO

GO SOE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with