^

PSN Palaro

Marami pang bigas na kakainin ang RP Tankers

-

Hindi pa ito ang panahon upang makakuha ng kauna-unahang Olympic gold medal ang mga Filipino swimmers.

Aminado si Philippine Amateur Swimming Association (PASA) president Mark Joseph na hindi pa maaaring ikumpara ang mga tiyempo ng mga katulad nina Miguel Molina, Ryan Arabejo, Daniel Coakley at JB Walsh sa mga tankers ng United States, China, Australia, Korea at Japan.

“It’s not yet the right time but since they are our Olympic qualifiers they should be supported,” ani Joseph.

Sina Molina, Arabejo, Coakley at Walsh ang unang apat na national swimmers na nakalangoy ng Olympic ticket para sa 2008 Games sa Beijing, China sa Agosto, habang umaasa naman ang PASA na madaragdagan pa ito sa mga susunod na buwan bago ang deadline sa Hulyo.

Kabilang sa mga sinasabi ni Joseph na may potensyal na makalahok sa 2008 Beijing Games ay sina Erika Totem, Jacky Pangilinan, Kendrick Uy at Marichie Gandiongco.

“We’re expecting Erika Totem to qualify in the next few months,” ani Joseph kay Totem, swimming scholar ng University of Arkansas sa United States at eksperto sa women’s 200-meter butterfly at 400-meter freestyle. “We also have two additional hopefuls in the persons of Ken Uy and Jacky Pangilinan if she’s not yet retired.”

Kasama nina Molina, Arabejo, Coakley at Walsh na nagsasanay sa US si Uy, samantalang nakatakda namang magtapos sa Harvard University ang 2004 Athens Olympic campaigner na si Pangilinan.

“We have as many as four potential swimmers that could still qualify for the 2008 Beijing Olympic Games. And hopefully, maka-qualify nga sila before the deadline on July,” wika ni Joseph kina Uy, Pangilinan, Totem at Gandiongco.

Tanging ang dalawang Olympic bronze medal ni Filipino swimming legend Teofilo Yldefonso sa men’s 200m breaststroke noong 1928 sa Amsterdam at noong 1932 sa Los Angeles ang karangalan ng mga Pinoy tankers. (Russell Cadayona)

ARABEJO

BEIJING GAMES

BEIJING OLYMPIC GAMES

COAKLEY

ERIKA TOTEM

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with