^

PSN Palaro

Pacquiao Sa Elorde Hall Of Fame

-

Iluluklok ang boxing superstar na si Manny Pacquiao sa Elorde Boxing Hall of Fame, ang pinakamataas na karangalang maaaring ibigay sa Filipino champion sa 2007 8th Gabriel “Flash” Elorde Boxing Awards Night sa March 25.

Ang Hall of Fame induction ang highlight sa Gabriel “Flash” Elorde Banquet of Champions kung saan sa kaunaunahang pagkakataon ay bibigyan ng Elorde clan ang apat pang world champions bilang mga Boxers of the Year.

Si Pacquiao, ang pinakasikat na boksingero sa kanyang henerasyon ay ang  unang boxing champion na iluluklok sa Elorde Hall of Fame dahil pitong sunod na taon na itong tumanggap ng boxer-of-the-year award.

“This award is certainly a unique honor since it is given to a boxer who has been a recipient of the Elorde boxer of the year award for seven years, just like Da Flash, who was world champion for seven years,” ani Laura Elorde.

Si Elorde ang naging world’s longest-reigning junior lightweight champion, matapos nilang ha-wakan ang titulo noong  1960-67. Dahil dito, napabilang siya sa world’s greatest boxers of all time, at siya ang naging unang Filipino boxer na nailuklok sa International Boxing Hall of Fame matapos kay pre-war legend Pancho Villa.

Ang iba pang boxer-of-the-year awardees ng 2007 ay sina International Boxing Federation flyweight champion Nonito Donaire, World Boxing Organization bantamweight title holder Gerry Peñalosa, IBF minimum weight titlist Florante Condes at WBO minimum weight king Donnie Nietes.

“This year is special because it’s the first time that we are honoring so many boxer-of-the-year awardees, and it’s a great honor to have all of them together in the Elorde Banquet of Champions,” sabi pa ni Laura Elorde.

Ang Elorde Awards, na inorganisa ng Elorde Foundation, ay pinasimulan ng anak ni Elorde na si Johnny at asawang si  Liza walong taon na ang nakakaraan upang bigyan ng parangal ang mga boxers na nagbigay ng karangalan sa bansa.

Mula noon ay taon-taon nang ginaganap ang Elorde Awards Night tuwing March 25, ang araw ng kapanganakan ng boxing champ.

Ang iba pang parangal ay best promoter, best manager, best trainer, best fight, most promising boxer at iba pang supporters.

Kasabay ng parangal ay isang malaking boxing match na di pa natutukoy.

Tumawag sa 8264463, 8250625 para sa detalye.

ANG ELORDE AWARDS

ANG HALL OF FAME

BOXER

BOXING

ELORDE

ELORDE BANQUET OF CHAMPIONS

LAURA ELORDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with