BSCP binatikos ng bagong grupo ng mga players, managers
Matapos itatag ang Billiard Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP), sinimulan na nila ang laban kontra sa pamunuan ng Biliards and Snookers Congress of the Philippines (BSCP) na pinamumunuan ni Yen Macabenta, ang presidente rin ng tournament organizer na Raya Sports.
Pormal na inihain ng mga players at managers ang kanilang hinaing kontra sa mga opisyal ng BSCP sa press conference na ginanap sa Annabels sa Tomas Morato kahapon.
“Ang role ng BSCP ay magdevelop ng mga bagong manlalaro sa grassroots at hindi ang pakialaman pa ang pagpili sa kinatawan ng Pilipinas sa malakihang torneo na may malakihang premyo,” wika ni Lito Puyat, ang manager ng mga sikat na bilyaristang sina Efren Reyes, Dyango Bustamante.
Gayunpaman, nilinaw ng grupo na hindi sila nakikipagkom-petensya sa BSCP kundi pangangalagaan lamang nila ang anila’y hindi na sakop ng BSCP, ang pagpapadala sa malaki-hang torneo sa labas ng bansa.
Nilagdaan ng mga managers at mga players na dumalo kahapon sa press conference ang ‘nagkakaisang pahayag’ sa pagkondena sa pamimilit ng BSCP na lumahok ang mga propesyunal na manlalaro sa mga personal na torneo, pananakot na maparusahan kung hindi sasali sa mga personal na torneo at ang paghatol kay Alex Pagulayan ng guilty sa pinakagrabeng kaso sa Billiard na ‘misconduct’ o sadyang panggugulo noong nakaraang 2007 Guinness 9-Ball tour.
Hihilingin din ng grupo sa Philippine Sports Commission at Commission on Audit ang pag-o-audit ng P10 milyong pondo na galing sa gobyerno para sa hosting ng 2006 at 2007 World Pool Championships.
Ayon kay Puyat, ang mga players ay pawang mga propes-yunal kayat hindi sila saklaw ng BSCP na dapat ay ituon ang mga programa sa grassroots. Dahil dito, nais nilang mapasa-ilalim ang mga player sa Games and Amusement Board.
Sa hiwalay na statement ni Macabenta, sinabi niyang mina-manipula lamang ng mga taong nais umagaw ng kapangyari-han, at sasagutin nila ang mga diumano’y maling paratang sa hiwalay na press conference sa Lunes.
- Latest
- Trending