Hapee si Alas!

Sa hangaring matapos na ang pagkauhaw sa titulo, kinuha ng Hapee Toothpaste ang multi-titled tactician na si Louie Alas bilang coach sa nalalapit na PBL tournament.

Ayon kay team manager Bernard Yang, sumangayon si Hapee Tooth-paste owner Dr. Cecilio Pedro at Basketball Operations head Jack Huang na kunin ang  Letran mentor  sa pag-asang mag-iba ang kanilang kapalaran.

Papalitan ni Alas, bahagi ng RP coaching staff sa nakaraang SEA Games sa Thailand, si Jun Noel na nagbitiw matapos mabigo sa Harbour Centre sa nakaraang PBL V-Go Extreme Energy Drink Cup.

Malugod na tinanggap si Alas ng team dahil dala nito ang  working ethics at aggressive defense sa team na nais ibalik ang kanilang glorya.

“The management is happy to announce that we finally came to terms with one of the finest coaches in the country today. His presence to the team, for sure, will be a big boost to us considering his experience,” ani Yang.

Show comments