Nakopo ng defending champion University of Santo Tomas at Far Eastern University ang dala-wang ‘Final Four’ berths matapos ang magkahi-walay na panalo sa UAAP women’s volleyball tournament sa Blue Eagle Gym.
Nakaligtas ang Tigresses sa mabigat na hamon sa ikatlong set upang igupo ang University of the Philippines, 25-14, 25-22, 28-26, sa pag-tutulungan nina Mary Jean Balse at reigning MVP Venus Bernal sa 35 hits.
Umiskor si Rachel Daquis ng 15 markers nang igupo ng Lady Tamaraws ang University of the East, 25-11, 25-12, 25-22.
Umangat ang UST at FEU sa 9-2 record para magsalo sa second place, sa likod ng league-leading Adamson, nanalo ng 25-21, 25-11, 25-12 sa National University.
Ang panalo ay ang ika-10-sunod ng Lady Falcons na naglapit sa kanila sa ‘twice-to-beat’ bonus sa semis.
Nakabawi si Balse sa kanyang season-low na 5 points sa four-set loss ng Tigresses kontra sa Lady Tamaraws.
Tumapos naman si Sang Laguilles ng 18 hits, 14 mula sa attacks, at nag-ambag si Michelle Segodine ng 11 hits para sa Adamson.
Nakabangon naman ang La Salle mula sa 22-point performance sa tulong ni veteran Charo Soriano tungo sa 25-17, 25-23, 19-25, 25-19 victory kontra sa Ateneo.
Tumapos si Jackie Alarca ng 20 markers at tig-14 naman sina Mi-chelle Datuin at Carla Llaguno upang isulong ang Lady Archers sa No. 4 spot na may 6-5 record.