^

PSN Palaro

Mga kaibigan kasalo ni Pacman sa hapunan

-

Tuwing matatapos ang kanilang maigting na ensayo sa Wild Card Boxing Gym ni American trainer Freddie Roach sa Hollywood, California ay isang salu-salo ang inihahanda ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao.

Kabilang sa mga nakakasama ni Pacquiao sa isang restaurant sa tapat ng Wild Card Gym ay ang kumpareng si Gerry Peñalosa at sina Bernabe Con-cepcion, Rodel Mayol at Diosdado Gabi.

“Parang magulang na rin ang turing ko kay Kuya Manny kasi talagang inaalagaan niya kaming lahat sa Wild Card,” kuwento ni Concepcion sa 29-anyos na si Pacquiao. “Kapag may kailangan kami sabihin lang daw namin sa kanya.”

Nagsimula na sa kanilang sparring session sina Pacquiao at Roach bilang paghahanda sa rematch kay World Boxing Council (WBC) super featherweight champion Juan Manuel Marquez sa Marso 15 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada.

Noong Disyembre pa inumpisahan ng 34-anyos na si Marquez ang kanyang training sa Romanza Boxing Gym sa Mexico City bukod pa sa pag-akyat sa matarik na Otomi Mountains.

“Okay naman ang ensayo nila Kuya Manny. Talagang determinado siya na agawin kay Marquez ‘yung WBC title. Kahit nga umuulan tumatakbo pa rin siya kasama kami basta lang hindi pasukin ng lamig ang mga damit namin,” ani Concepcion.

Nakatakda namang itaya ng 35-anyos na si Penalosa ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) bantamweight belt kontra sa 31-anyos na si Thai challenger Ratanachai Sor Vorapin sa Marso 2 sa Araneta Coliseum.

Haharapin ng 20-anyos na si Concepcion si Mexican Juan Ruiz sa Pebrero 9 sa Guanajuato, Mexico. (Russell Cadayona)

ARANETA COLISEUM

CITY

CONCEPCION

KUYA MANNY

PACQUIAO

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with