Kung papasok ka sa Wild Card Boxing Gym ni American trainer Freddie Roach, ang eksplosibong mga suntok ang iyong maririnig mula kay Filipino boxing hero Manny Pac-quiao.
“Manny is hitting the mitts harder than he has ever done so before, I really feel his power,” wika kahapon ni Roach sa 29-anyos na si Pacquiao.
Sapul nang dumating sa Wild Card sa Hollywood, California ay wala pang sparring session na nagagawa sina Roach at Pacquiao kung saan apat na sparmates ang naghi-hintay kagaya ng mga makakasabayan ni World Boxing Council (WBC) super featherweight champion Juan Manuel Marquez sa Romanza Gym sa Mexico.
Ani Roach, uumpisa-han nila ni Pacquiao ang sparring bukas (Manila time) para sa kanilang preparasyon sa rematch sa 34-anyos na si Marquez sa Marso 15 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada.
“We went 11 rounds in the ring on the mitts today, so I told Manny that we would skip the heavybag, and get back on it on Monday (US time),” wika ni Roach.
Nakatakdang maka-sagupa sa sparring ni Pacquiao, ang kasaluku-yang WBC International super featherweight titlist, sina Mexicans Danny Cervantes, Roger Gon-zales at David Rodela at California-based Adrian Gallon.
Katulad ni Pacquiao, bigating mga sparmates rin ang kinuha ni Marquez na sina dating World Boxing Association (WBA) featherweight champion Freddie Norwood, Mexican super lightweight Miguel Angel Huerta at Nicaraguan super bantam Eusebio Osejo. (Russell Cadayona)