Hindi lamang si Filipino boxing hero Manny Pac-quiao ang puspusan sa kanyang pag-eensayo sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California kun-di maging ang ilan niyang kababayan at kumpare.
Partikular na sa mga ito ay ang kumpare ni Pac-quiao na si Gerry Peñalo-sa na magdedepensa ng kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) bantamweight crown sa Marso 2 sa Ara-neta Coliseum.
Nakatakdang itaya ng 35-anyos na si Peñalosa ang kanyang WBO belt sa unang pagkakataon laban sa 31-anyos na si Ratana-chai Sor Vorapin ng Thailand.
Matatandaang umis-kor si Peñalosa, dating naghari sa World Boxing Council (WBC) super flyweight division, ng isang seventh round TKO laban kay Jhonny Gonzales pa-ra agawin mula sa Mexican ang WBO title noong Agosto 11 sa California.
Ito ang pangalawang pagkakataon na magka-ka-harap sina Peñalosa at Vorapin matapos kumuha ang Cebuano warrior ng isang sixth-round TKO noong Nobyembre 25 ng 2000 para angkinin ang WBC International crown sa Casino Filipino Amphitheater sa Parañaque.
Maliban kina Pacquiao at Peñalosa, nagsasanay rin sa Wild Card Gym ni American trainer Freddie Roach sina super bantamweight Bernabe Concep-cion, bantamweight Dios-dado Gabi at light flyweight Rodel Mayol.
Idedepensa ng 20-anyos na si Bernabe ang kanyang hawak na North American Boxing Federation (NABF) title kay American Juan Ruiz sa Pebrero 9 sa Mexico, habang nasa undercard naman ng Pacquiao-Marquez II sa Marso 15 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas si Gabi katapat si Abner Mares.
Naghihintay pa si Ma-yol ng kanyang makaka-laban matapos makatikim ng isang eight-round TKO kay Mexican Ulises ‘Ar-chie’ Solis noong Agosto. (Russell Cadayona)