^

PSN Palaro

4-golds sa last day

-

Nakhon Ratchasima, Thailand — Humakot ang Team Philippines ng apat na gold medals kahapon sa huling araw ng kompe-tisyon upang iposte ang kanilang pinakamagan-dang pagtatapos sa 4th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) PARA Games sa His Majesty The King’s 80th Anniversary Stadium dito.

Nanguna si Josephine Medina sa singles Class 8 para sa kanyang ikali-mang gold medal at nagambag din ng gold si Minnie de Ramos sa singles Class 10 para sa kabuuang anim na ginto ng RP table tennis team.

Namuno si Adeline Dumapong-Ancheta sa 82.5-kilogram class matapos ang kanyang mga record breaking lifts sa 112.5kg at 115kg.

Sa track, ipinakita ni Isidro Vildosola na siya ang best middle distance runner sa Games sa pangunguna sa 1,500-me-ter race sa oras na four minutes at 36.96 seconds ngunit si Medina ang pinakamaganda ang ipi-nakita sa 88- man delegation sa kanyang five-gold medal haul sa pagkopo ng kanyang ikalawang individual gold matapos igupo si Indonesian Suwatri Suwatri, 11-3, 11-7, 11-4, sa race-to-three sets finale.

May 17-golds, 21-silver at 19 bronze ang Pinas ngunit may iba pang event na pinaglalabanan kagabi. (JOEY VILLAR)

ADELINE DUMAPONG-ANCHETA

ANNIVERSARY STADIUM

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

HIS MAJESTY THE KING

INDONESIAN SUWATRI SUWATRI

ISIDRO VILDOSOLA

JOSEPHINE MEDINA

NAKHON RATCHASIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with