^

PSN Palaro

Tatlong Conferences?

FREE THROWS - AC Zaldivar -

Pag-aaralan diumano ni commissioner Renauld ‘Sonny’ Barrios kung dapat ngang ibalik sa three-conference format ang bawat season ng Philippine Basketball Association.

Sa totoo lang, marami nga ang nagsasabing dapat na ibalik sa tatlo imbes na dalawang conferences kada season. Ito na kasi ang nakagawian ng liga nang magumpisa ang PBA noong 1975. Binago lang ito ni Commissioner Noli Eala upang bigyan ng pagkakataon ang bansa na makapagbuo ng malakas na koponan para sa international competitions sa ambisyong muling makapaglaro sa Olympics.

Pero nabigo tayong makakuha ng ticket sa Beijing Olympics sa taong ito nang pumang-siyam lamang tayo sa qualifier na ginanap sa Tokushima Japan. Malaki rin ang isinakripisyo ng PBA sa two conference format.

Kasi sa ganitong format ay napakahaba ng elimination round. Bale tig-18 games ang bawat koponan. Pagkatapos ay maikli ang post season - quarterfinals, semifinals at championship round. Hindi masyadong tinatao ang elimination round na pagkahaba-haba. At natural lang iyon. Iipunin na lang ng fans ang kanilang pera at pagkatapos ay sa quarterfinals o kaya sa semis na lamang sila manonood kung kailan mas matindi ang nakataya at mas exciting ang games.

Dahil sa ganitong kaisipan, natural na kaunti lang ang kikitain ng PBA sa eliminations. Well, siguro sa simula ng isang season, curious ang mga fans sa nangyaring build-up ng kani-kanilang teams kung kaya’t panonoorin nila ang games. Pero pag nakita na nila ang komposisyon ng kanilang teams, maghihintay na lang sila ng quarterfinals o semis. Ganoon din sa Fiesta conference kung saan sisilipin ng mga fans ang klase ng imports na nakuha ng kanilang teams. Pagkatapos ay pagiipunan na lang nila ang semis.

E, ang haba ng elims. So mahabang hintayan ‘yun!

E, kahit na nga sa television coverage, siyempre sa elims ay mas kaunti ang advertisers. Pero pagdating ng semis at Finals aba’y punumpuno ng commercial ang TV coverage!

So, bakit nga ba kailangang pahabain nang husto ang eliminations? Puwede namang single round lang o tig-siyam na games ang bawat teams at habaan ang post season. O kaya’y bumalik sa dating three-conference format!

Kung ibabalik sa tatlong conferences ang isang season, magkakaroon ng tatlong quarterfinal rounds, tatlong semifinals at tatlong Finals na mas papanoorin at mas papasukin ng mga advertisements. Mas madaming manonood. Mas masaya! Mas maraming gastos nga lang ang teams kasi tatlong ‘entering the semis bonus” o “tatlong winning the championship” bonus ang ibibigay nila sa players!

BEIJING OLYMPICS

COMMISSIONER NOLI EALA

LANG

MAS

PAGKATAPOS

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with