Hitik sa events ang billiards sa taong ito

Ang sumisikat na 10-ball ang tampok sa calendar of events ng Billiards sa taong ito at iho-host ng bansa ang WPA 10-ball championships sa Araneta Coliseum sa November 10-16.

Inihayag ng Billiards & Snooker Congress of the Philippines sa pangunguna ni chairman Yen Makabenta na siya ring presidente at organizer ng Raya Sports, ang kanilang 2008-09 calendar sa press conference na ginanap sa Hotel Sofitel kahapon.

Ilulunsad din ang BSCP Philippine Tour na gaganapin sa Mandaluyong (inaugural leg) sa April 9-13; Puerto Princesa, Davao, Cebu, Subic-Olongapo, Boracay at sa Manila.

Magkakaroon din ng national tournaments para sa men’s, women’s at juniors. Mauuna ang 2nd RP juniors championships sa March 20-23.

Ilulunsad din ang METRO-POL Students League para sa 19-years old and under na mag-sisimula sa July 2-6 sa BSCP Billiards Center sa Rizal Memorial Sports Complex kasunod ang Mandaluyong leg, Quezon City, Parañaque, Pasay City at San Juan.

Gaganapin din ang RP 10-Ball Open sa May 5-11 at 3rd RP National Pool  sa Sept. 8-14.

Sinisikap pang makuhang muli ng BSCP ang hosting ng World 9-Ball championships na planong itanghal sa Cebu City.                     (MBALBUENA)

Show comments