Ika-4 gold kay Medina

NAKHON, RaTchasima, Thailand — Nakopo ni Josephine Medina ang kan-yang ikaapat na gold medal at nagdeliber din si chesser Sander Severino at ang kanyang team tulad ng kanilang pangako at nanatili sa ikalimang puwesto ang Philippines sa 4th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Para Games.

Nakipagtambal si Medina, 37-gulang, kay Purification Mingarine upang igupo ang  Timor Leste team nina  Pascoela Dos Santos Pereira at Ines Fatima Olivera Pires, 11-1, 11-0, 11-1, 11-2, para sa gold ng doubles Class 8.

Unang nanalo si Medina sa singles Open Class 6-10, doubles Open Class 6-10 kasama sina Minnie de Ramos at sa Team Class 10 kasama si Ramos at Mingarine din.

Matapos manalo ng individual gold, nakuntento si Severino,  22-year-old Silai City, Negros Occidental native, sa mabilis na draw  kay Vo Thanh ng Vietnam upang manguna sa wheelchair/ambulant division  kung saan umiskor ito ng 6.5 points sa seven rounds. (JOEY VILLAR)

Show comments