^

PSN Palaro

Bulag na atleta naka-gold

-

Nakhon Ratchasima, Thailand — Isang makinang na gintong medalya ang sinukbit ng Visually-impaired na si Evaristo Carbonel sa discuss throw sa Day 1 ng 4th ASEAN Para Games sa His Majesty The King’s 80th Anniversary Stadium dito.

Bumato ng 26.63m ang 34 anyos na si Carbonel, na hindi lamang nagbigay ng kauna-unahang gintong medalya kundi nagwasak din sa 24.88m na inilista sa  2005 Manila Para Games.

“I’m so happy with my performance,” ani Carbonel,  silver medalist sa Manila na nawalan ng paningin makaraang maaksidente sa isang air gun may 16 na taon na ang nakakaraan.

Nakuntento naman sa silver medal sina Daniel Damaso at Arnel Aba sa medal rich aquatics.

Si Damaso ay naorasan ng limang minuto at 34.39 segundo para magtapos sa likuran ng Thai na si Tupsit Kumoongkoong’s 5:14.78 habang naorasan naman si Aba ng 5:21.85 para pumangalawa kay Vietnamese Uo Huynh Anh Khoa’s 5:13.30.

Habang sinusulat ang balitang ito, panglima ang Philippines sa overall na may 5 golds, 5 silvers at 2 bronze sa likuran ng host Thailand, na patungo sa kanilang ikatlong sunod na overall title sa kanilang 33-gold, 13-silver at 13-bronze na naipon.

Pumapangalawa naman ang Malaysia na may 8-10-5 kasunod ang Vietnam at Indonesia sa third at fourth places na may  8-9-5 at 3-3-2, ayon sa pagkaka-sunod. (Joey Villar)

vuukle comment

ANNIVERSARY STADIUM

ARNEL ABA

CARBONEL

DANIEL DAMASO

EVARISTO CARBONEL

HIS MAJESTY THE KING

JOEY VILLAR

MANILA PARA GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with