^

PSN Palaro

Balasahan sa Talk N Text?

FREE THROWS - AC Zaldivar -

Knowing the history ng Talk N Text, marami ngayon ang nag-speculate kung ano ang puwedeng mang-yari sa koponan hanggang sa pagbubukas ng Fiesta Conference sa Marso 23.

Aba’y mahigit sa dalawang buwan ang magiging ba-kasyon ng Phone Pals matapos na sipain sila ng Coca-Cola sa pamamagitan ng back-to-back na panalo-- una sa pagtatapos ng double round elims at ikalawa’y sa sudden death “wild card” phase.

Kung titignan kasi ang history ng Talk N Text (na dating Mobiline) ay napakaraming coaches na ang humawak sa team na ito. Pero iisa pa lang ang nakapagbigay sa kanila ng kampeonato sa isang regular tournament at ito’y wa-lang iba kundi si Joel Banal.

Bago nga si Banal ay pinahawak pa ng management ng Talk N Text sa dalawang Amerikanong coaches ang kanilang koponan. Ito’y sina Billy Bayno at Paul Woolpert pero nabigo ang mga ito na maihatid sa rurok ang team.

Well, ang unang titulo ng Talk N Text ay galing kay Eric Altamirano pero iyon ay sa Centennial Cup na isang special tournament. So may asterisk ang titulong iyon.

Tumagal pa ng ilang conferences si Banal bago siya na-pilitang magbitiw sa tungkulin nang matalo ang Phone Pals sa Air21 Express sa quarterfinals ilang conferences na ang nakalilipas. Siya’y hinalinhan ng noo’y consultant na si Derick Pumaren at nagkaroon ng matinding pagbalasa sa team kung saan na-recruit ng Talk N Text ang mga tulad nina Ren-ren Ritualo, Don Carlos Allado, Anthony Washington, Mark Cardona at Yancy de Ocampo.

Kahit gaano pa kalakas ang Talk N Text, patuloy itong nabigo sa pagtudla ng ikalawang regular conference title.

Bago nagsimula ang season na ito ay marami ang nag-akalang matatapos na ang lahat ng kabiguan ng Phone Pals dahil sa sobra-sobra nga ang kanilang lakas. Parang walang ibang team na puwedeng tumapat sa kanila.

Pero nagkawindang-windang ang kanilang simula at pagkatapos ng sampung games sa kasalukuyang Smart-PBA Philippine Cup ay nagsagawa ng nakagugulat na move ang Talk N Text. Ipinamigay nila ang kanilang franchise player na si Paul Asi Taulava at kinuha buhat sa Coca-Cola si Ali Peek at ang first round pick ng Tigers sa taong ito

Very drastic ang move na iyon ha! Pero siyempre, palagi namang sinasabi na desperate times require desperate measures. Baka nga naman wala na silang mapipiga pa kay Taulava at panahon na ng pagbabago.

Subalit walang nangyari sa trade na iyon ay maaga ngang na-eliminate ang Phone Pals.

So, nangangamba ang mga fans ng Phone Pals na baka may matinding trade ulit na magaganap. O kaya’y pagpapalit ng mga tao sa coaching staff. Baka matulad si Pumaren kay Banal.

Hindi natin masasabi kung ano ang puwedeng mang-yari. Mag-aabang na lang tayo ng mga kaganapan.

ALI PEEK

ANTHONY WASHINGTON

BILLY BAYNO

CENTENNIAL CUP

PERO

PHONE PALS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with