^

PSN Palaro

4th Para Games magsisimula na

-

Nakhon Ratchasima--Opisyal na magsisimula ngayon ang  4th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Para Games kung saan magmamartsa ang Team Philippines kasama ng 10 pang ibang kalahok sa opening parade na inaasahang magiging makulay na tulad ng 24th Southeast Asian Games sa Main Stadium of His Majesty the King’s 80th Birthday Anniversary Stadium dito.

Handa na ang may 88 Filipino athletes sa lalahok sa 12 ng 14 na sports events, ayon kay Chef de Mission Ral Rosario.

“Everything’s going smoothly for us,” ani Rosario.

Ang parada ay magsisimula sa alas-4 ng hapon na may 1,396 atleta, coaches at officials ang magma-martsa sa Para Games’ 4th edition na may temang: ”Friendship, Equality, Opportunity.”

Ang aksiyon ay opisyal na magsisimula sa Lunes kung saan ang athletics, fencing, shooting at swimming ay nakatakda sa Main Stadium.

May kabuuang 268 gold medals sa tatlong klase --visually impaired, wheelchair at ambulant--ay nakataya sa swimming at track and field para sa 259 at 250 golds, ayon sa pagkakasunod. (Joey Villar)

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

BIRTHDAY ANNIVERSARY STADIUM

JOEY VILLAR

MAIN STADIUM

MAIN STADIUM OF HIS MAJESTY THE KING

MISSION RAL ROSARIO

NAKHON RATCHASIMA

PARA GAMES

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with