ABAP kukuha pa rin ng Cuban coach

Anuman ang mangyari sa kanilang kampanya sa Olympic qualifying tournament sa Bangkok, Thailand ay kukuha pa rin ang Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) ng isang Cuban head coach.

Ito ang sinabi ni ABAP president Manny T. Lopez kaugnay sa kanilang pagtungo sa Havana, Cuba nina Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez at PLDT boss at boxing ‘Godfather’ Manny V. Pangilinan.

“Pagkatapos ng Olympic qualifying sa Bangkok, Thailand kami ay tutungo naman ng Havana, Cuba upang kumuha ng isang magaling na Cuban coach.

Nakatakdang bumi-yahe ang isang fiveman national boxing team sa Bangkok para sumabak sa Olympic qualifying tournament na nakatakda sa Enero 24 hanggang Pebrero 3.

Ang nasabing torneo ay magbibigay ng 12 Olympic berths para sa 2008 Olympic Games sa Beijing, China sa Agosto.

Isa lamang si Raul Fernandez Liranza sa mga nasa listahan ni Lopez para tumulong sa preparasyon ng mga Filipino pugs.

“Talagang ayaw siyang pakawalan ng Cuba dahil ginawa na siyag head coach,” ani Lopez kay Liranza. “Sana kung puwede ay isang national coach na may kapasidad or has a proven ability to win an Olympic gold medal in the modern Olympics.”  

Si Liranza ang tumu-long kay light flyweight Mansueto “Onyok” Velasco, Jr. sa pagsuntok sa silver medal noong 1996 Atlanta Olympic Games. (Russell Cadayona)

Show comments