GM title nasungkit ni Gonzales

Isang tunay na Grandmaster na si Jayson Gonzales. Bagamat natalo ito sa 10th round sa kanyang laban, nasungkit ni Gonzales ang kanyang ikatlong GM norm habang nakopo naman ng kaba-bayang si Roland Nolte ang Internationl Master norm at unang GM norm.

Mismong si Gonzales ang nagkumpirma ng magandang balitang ito.

“Ngayon ko lamang nalaman na finally nakuha ko na ang 3rd at final GM norm nang makaiskor ako ng 7.0 points sa round 9 habang si (Rolando) Nolte ay nakuha din ang kanyang 3rd at final IM norm at 1st GM norm ng makaiskor naman siya ng 6.0 points sa round 9,” wika ni Gonzales bago ang final round kahapon ng ASEAN Masters Chess Circuit sa Indonesian city ng Tarakan sa East Kalimantan.

“Pero kung hindi ko ma meet ang 7/9 requirements p’wede ko ding makuha sa 8.5/11 requirements,” ani Gonzales.

Sa ninth round, tinalo ni Gonzales ang kababa-yang si FM Oliver Barbosa sa 25 moves ng Nim-zovitch Defense habang yumuko kay Armenian IM Ashot Nadanian sa 74 moves ng Kings Indian Defense sa  tenth round.

“Grabe pinilit kong manalo kasi winning na ako kay (Ashot) Nadanian kaso natalo pa,” sabi ni Gonzales, nakuha ang first GM norm sa 2004 Calvia Open sa Calvia, Spain tumapos ng third na may  7.0 points sa nine rounds at nakuha ang second GM norm sa Asian Zonal elims sa Kuala Lumpur, Malaysia noong September 2005.

Si Nolte, na upset si Indon GM Herman Ardiansyah sa 33 moves ng Sicilian Defense sa  ninth round, ay kinapos kay Indon FM Syarif Mah-mud sa 34 moves ng isa pang Sicilian Duel sa tenth round.

Patuloy naman ang pamamayagpag ni  GM Mark Paragua sa Group B (GM) category nang itala nito ang 34 moves na panalo kay Malaysian FM Tze Meng Kok sa kanilang  Modern Defense para sa total 8.5 points, 1.5 points na angat sa mahigpit na karibal na si Gonzales na may 7.0 points, kasunod si Nadanian na may 6.5 points at Nolte na may  6.0 points.

Sa Group A (GM) category, nakipagdraw naman si GM Wesley So kay Malaysian IM Mas Hafizulhelmi sa 54 moves ng Sicilian Ritzer Rauzer Attack tungo sa total 6.5 points kasosyo si Indon GM Susanto Megaranto sa third hanggang fourth placers. Tumabla din si Pinoy GM entry Eugene Torre kay  FM Cecep Kosasih sa  77 moves ng  Giuco Piano Opening tungo sa 6.0 points at  solo fifth placers.

Show comments