Tatlong Pinoy chess players sa pamumuno ni Grandmaster Mark Paragua ang naghahangad sa kara-ngalan tungo sa eight round ng inaugural ASEAN Masters Chess Circuit sa Indonesian city ng Tarakan sa East Kalimantan.
Hawak ang puting piye-sa, nakipag-draw ang 23-anyos GM na si Paragua kay Fide Master Rolando Nolte sa 15 moves ng Gruenfeld Defense habang nagwagi na-man si International Master Jayson Gonzales kay Malaysian FM Tze Meng Mok sa 42 moves ng French Defense tangan ang Black pieces sa seventh round encounter para manguna sa 12-player pack sa Grandmaster (GM) B category.
Kailangan na lamang ni Gonzales ng one point sa nine-game GM norm tungo sa full-pledge GM status habang si Nolte, ay nanga-ngailan naman ng one point at half ( 1.5 points) para sa first GM norm.
Sa iba pang kaganapan, hiniya ni FM Oliver Barbosa si Armenian IM Ashot Nada-nian sa 21 moves ng Ruy Lopez Opening para sa 3.5 points at solong ikapitong puwesto.
Sa Group A (GM cate-gory), malaki ang posibilidad na maangkin ang top prize ni top seed Singaporean GM Zhang Zhong .
Ang nakabuntot na may 4.5 ay ang 14 anyos na si GM Wesley So, panalo sa kababayang si IM Barlo Nadera sa 29 moves ng French Defense.